Nasa isang milyong pisong halaga ng hinihinalang cocaine at liquid ecstasy ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang buy-bust operation sa Fort Bonifacio, Taguig City nitong Martes.

Sa inisyal na ulat ng PDEA, nadakip sa operasyon sina Aaron Cruz, 25, modelo at product endorser; at si Geraldine Vitto, 22.

Ayon kay PDEA Deputy Director-General for Operations Gregorio Pimentel, PDEA Agent Wilfredo Alagabai Jr., nasamsam sa buy-bust ang 84 na pirasong tableta ng ecstasy, eight medium na pakete ng hinihinalang cocaine at walong bote ng liquid ecstasy.

Pagbabahagi PDEA Agent Abdulgani Abdulsukor, isinagawa ang operasyon sa 36th Street Bonifacio Global City matapos ang ilang linggong surveillance kay Cruz.

National

27 volcanic earthquakes, naitala mula sa Bulkang Kanlaon

Sa nakalap na ulat ng PDEA personnel si Cruz ay grand finalist ng isang male beauty pageant sa isang sikat na noon time show, freelance model at product endorser sa mga television commercials.

Umamin naman si Vitto sa pagdadala ng package na naglalaman ng ilegal na droga ngunit iginiit na inutusan lamang siyang dalhin iyon sa isang tao at hindi alam ang laman nito.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act.

-Chito A. Chavez