HABANG naghihintay ng resolusyon ang Philippine Olympic Committee (POC) sa isyu ng pamumuno, abala ang Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) na isaayos sa tamang prospektibo ang hosting sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre.

psc

Sa pangunguna ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez, tumatayo ring Chef de Mission ng Team Philippines sa biennial meet, isinagawa ang ikalawang CDM Meeting nitong Huwebes sa Manila Hilton Hotel sa Resorts World sa Pasay City.

“I would like to thank and welcome our ASEAN brothers and sisters who are with us today. Let us remember that the success of one as the success of the whole ASEAN region,” pahayag ni Ramirez.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Iginiit ni Ramirez sa mga kinatawan ng miyembrong bansa na nasa tamang antas ang paghahanda sa SEA Games at maisusulong ang mga programa batay sa napagkasunduan sa mga nakalipa sna pagpupulong, kipkip ang ayuda ng pamahalaan.

Dumalo sa pagtitipon ang mga CDMs ng Brunei na si Muhd Zamri Dato Hamdani; Mr. Sengphone Phonamth ng Laos; Mr. Sokvisal Nhan ng Cambodia; Hon. Senator Datuk Zulkarnain Tan Sri Omardin ng Malaysia; Mr. Vicente Carvalho Da Silva ng East Timor, at Mr. Tran Duc Phan ng Vietnam.

Nagpadala naman ng kanilang kinatawan ang mga bansang Indonesia sa katauhan ni Mr. Harry Warganegara ng Myanman; Mr. Chris Chan ng Singapore at Mr, Thana Chaiprasit ng Thailand.

Sa kasunod na “Fellowship Dinner’, Ipinakita rin ng PHISGOC ang disenyo ng mga medalya na ipamamahagi sa nasabing kompetisyon, gayundin ang barong-inspired na isusuot ng mga miyembro ng Philippine Team.

Ipinarinig din sa mga bisita ang awitin na ‘We Win As One’ na gawa ng pamosong kompositor na si Ryan Cayabyab na siyang gagamiting ‘Theme Song’ sa SEA Games.

Ipinahayag din ng mga opisyal ng PSA at tumatayong Cluster head ng mga sports na sina Ramon Fernandez, Charles Maxey, Arnold Agustin at Celia Kiram, ang kahandaan ng mga sports sa biennial meet.

-Annie Abad