SAGLIT na saglit lang naming nakausap si Sarah Geronimo nang mag-set visit kami sa The Voice Kids Season 4.

Lea_PLEASE CROP

Hindi kasi puwedeng matagal siyang kausapin coz minamadali na ang kanilang taping, na ang rehearsal pa lang ng opening numbers nila ng kapwa niya The Voice coaches na sina Lea Salonga at Bamboo, kasama ang The Voice Kids choir, ay inabot na ng almost three hours.

Kumbaga, sa film shoot ay nakailang take sila coz tipong may pagka-perfectionist ang kanilang director, na ewan kung si Johnny Manahan. Siya kasi ang nakita naming kinakausap ng mga staff.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Sorry po,” tanging nasabi ni Sarah when asked about her boyfriend, Matteo Guidicelli. Kailangan na raw kasi siya ng production para sa teaser shoots sa opening ng The Voice Kids Season 4.

Well, for sure ay sisigla na namang muli ang viewing habits ng mga Pinoy sa pagbabalik ng nasabing reality singing competition, na papalit sa Idol Philippines.

First time ni Yours Truly na mapanood nang up close si Lea, na kumanta at sumayaw during their rehearsals sa nasabing set visit namin.

Hindi pala kataka-taka na siya ang first Pinay na nagbida sa Broadway show na Miss Saigon sa London years ago. Magaling siya, sa true lang. Hindi nga lang siya ‘yung tipong approachable type.

Pero sabi nga, ‘yung mga tipong mukhang suplada type ay siya pa ‘yung mababait at with a kind heart, sa totoo lang. Just like Yours Truly, wa kyems, insert smiley, u!

Oh siya, abangan n’yo ang pagbabalik ng The Voice Kids Season 4, kung saan na-discover ang talents ng mahuhusay na ngayong singers na sina JK Labajo, Darren Espanto, at Lyka Gairanod, na sumali sa show noong Seasons 1, 2 and 3.

-MERCY LEJARDE