MAKAKAUSAP ng press people si Kim Domingo this Monday sa mediacon ng Afternoon Prime ng GMA-7 na Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko, na kung hindi sa July 22 ay sa July 29 ang pilot.

Kim

Sa mediacon malalaman ang role ni Kim, dahil sa teaser, makikita lang siya na kasama sa eksena si Megan Young at wala siyang dialogue. Hindi tuloy alam ang koneksyon niya sa mga bidang sina Megan at Rayver Cruz.

Sa mediacon din malalaman kung ang #singlebuthappy ni Kim sa isa niyang post ay nangangahulugang break na sila ng longtime boyfriend niya.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Nakakaintriga rin ang ilang posts ni Kim tungkol sa cheating.

“One day you’re going to see her holding hands with someone who took your chance. She won’t even notice you because she’s too busy laughing with the stupid jokes he makes.

“And it will burn your heart seeing that beautiful smile on her face and realizing that you’re not the reason anymore. And then it will finally hit you: it was her, it was always her.”

May post na photo si Kim kasama ang isang kaibigan at sa caption, may nabanggit na “May mga nawala, may mga nanloko, may mga nanakit, pero sa lahat ng ‘yon alam kong sa huli nag-iisa kang nanatili at naging totoo sa harap ko man o likod.”

Gustong malaman ng supporters ni Kim kung ‘yung binanggit niyang nanakit sa kanya ay ang boyfriend niya, na ‘wag na nating banggitin ang pangalan, dahil hindi nga siya binanggit ni Kim.

Ang guy din daw ang sinasabing isa sa mga rason kung bakit hindi na nagpapaseksi si Kim ngayon.

At kung totoong break na nga sila, balikan kaya muli ni Kim ang pagpapaseksi?

Hirit ng male fans ni Kim, kahit konting paseksi lang, masaya na sila.

Anyway, kasama rin si Kim sa cast ng GMA Pictures na Kiko en Lala bilang leading lady ni Super Tekla, kapag lalaki ang huli.

Ang sabi, isasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino ang pelikula. Sa Septemer pa ‘yun, kaya sa Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko muna natin panonoorin si Kim.

-Nitz Miralles