“CONFIRMED!!! I’m in!”

Anne sa 2018 London Marathon

Ito ang tweet ni Anne Curtis ngayong kumpirmado nang kasali siya sa Tokyo Marathon sa Japan next year.

“I’ll be doing the @TokyoMarathon_E marathon in 2020! YAHOOOOO! My 3rd World Major Marathon! @VMMajors.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Hindi na bago kay Anne ang pagsali sa mga major marathon. Una siyang lumaban sa New York City Marathon noong 2016, at last year, 2018, sa London Marathon.

Sa 2018 London Marathon, bitbit ni Anne ang watawat ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) bilang celebrity advocate nito. Nakalikom siya noon ng donasyon, na ipagkakaloob ng UN organization sa mga batang naapektuhan ng limang-buwang giyera sa Marawi City, Lanao del Sur.

Ano naman kaya ang advocacy ni Anne sa ikatlong paglahok niya sa marathon sa Tokyo sa Marso?

At kahit next year pa nga ang sasalihang marathon, magsisimula na siyang mag-training ngayon.

Bilang reaksiyon sa announcement ni Anne, nag-tweet si @DreamMachine PH: “After the New York City Marathon year 2016, London Marathon last year 2018. Here goes our fairy godmother for @TokyoMarathon_E 2020!! The training starts now! We are all rooting for you @annecurtissmith!!”

Pero sa gagawing training ng 34-anyos na It’s Showtime host, may nagtatanong kung paano naman kaya ang inaasam na pagbubuntis niya. Ibig daw bang sabihin hindi pa ready si Anne na bigyan ng baby ang asawang si Erwan Heussaff?

But one thing is sure, tiyak na susuportahan ni Erwan si Anne, sa training pa lang ng aktres, lalo na sa paglaban nito sa Tokyo Marathon 2020.

-NORA V. CALDERON