Atletang Pinoy, kinalinga ng Pangulong Duterte para sa tagumpay sa SEAG

HINDI apektado ang atletang Pinoy sa nagaganap na rigodon sa Philippine Olympic Committee (POC).

MATAAS ang morale ng atletang Pinoy sa ginanap na Athlete’s Assembly, sa pangunguna nina Executive Secretary Salvador Medialdea at PSC Chief William Ramirez. (PSC PHOTO)

MATAAS ang morale ng atletang Pinoy sa ginanap na Athlete’s Assembly, sa pangunguna nina Executive Secretary Salvador Medialdea at PSC Chief William Ramirez. (PSC PHOTO)

At sa ayuda ng pamahalaan, sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission (PSC), at sa supoprta ng Pangulong Duterte makakaasa ang sambayanan nang tagumpay sa tinaguriang bayani ng bayan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Mismong

Buong pusong pasasalamat ang ipinahayag ng mga National athletes kay President Rodrigo Ro Duterte, na nakibahagi sa pagdiriwang ng National Team Generel Assembly na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) kahapon sa Philsports Arena.

Mismong si Executive Secretary Salvador Medialdea ang nagparating ng mensahe ng Pangulo na tunay namang nagpataas ng morale at nagpalakas ng kumpiyansa ng mga miyembro ng National Team sa isinagawang National Athletes Assembly kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City

“I just want to relay to you the support of our President. He is behind you para sa (laban sa) SEAG!” pahayag ni Medialdea.

Kasamang nakisalamuha at nagbigay ng inspirational message sa mga atleta sina PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez, Commissioners Ramon Fernandez, Arnold Agustin, Charles Maxey at Celia Kiram, gayundin sina Atlanta Olympics silver medalist boxer Onyok Velasco at dating SEA Games long jump queen Elma Muros-Posadas.

Kabuung 500 atleta, puspusan sa pagsasanay, para sa gaganaping 30th Southeast Asian Games sa bansa sa Nobyembre, ang nagkakaisa sa pagpapa-abot ng pasasalamat sa Pangulong Duterte.

“Thank you Tatay Digong! Thank you President (Rodrigo) Duterte!” sigaw ng mga atleta.

Target ng mga atleta na muling mabawi ang overall championship – huling nakuha noong 2005 hosting – sa kabila ng agam-agam dulot nang samu’t saring isyu, tampok ang gusot sa POC na nakatakdang magsagawa ng bagong halalan sa Hulyo 18 matapos ang pagbibitie ni POC president Ricky Vargas ng boxing.

Hiniling din ng Executive Secretary sa mga atleta na ituon na lamang sa pag-eensayo ang kanilang pansin at huwag nang intindihin ang mga negatibong bagay sa kanilang kapaligiran.

“Ilayo natin lahat sa mga problema ang lahat ng ating gagawin. Laro lang tayo. Let us win as one and patuloy natin itaguyod and ating bansa sa larangan ng sports,” ayon kay Medialdea.

Pinasalamatan naman mismo ni Ramirez si Medialde sa kanyang pagdalo sa nasabing pagtitipon.

“It means a lot to feel and see the government’s care for sports.” pahayag ng PSC chief.

Tapik sa balikat din ang mga naging mensahe ng dalawang sports icon.

“Napakapalad ninyo kasi si Presidente 100% ang suporta. Huwag ninyo pansinin ang problema. Huwag niyo isipin ang gulo. Focus tayo sa laban. Andito tayo sa bansa natin kaya lalong galingan natin. Patay kung patayan. Gigil sa kalaban wag sa opisyal,” pahayag ni Muros.

“Hindi ‘yung coach ninyo ang na-short ninyo kundi ang sarili ninyo. Makikita sa sparring kinakapos kayo. Importante ang disiplina,” pahayag naman ni Velasco.

-Annie Abad