NAPANOOD namin ang video interview ng PEP.ph kay Lea Salonga, nang tanungin ng una kung pinalitan na ng singer si Kris Aquino bilang endorser ng Ariel detergent.

Kris at Lea

Hindi naman kaila sa lahat na mahigit isang dekada nang endorser si Kris ng nasabing produkto, at habang naka-leave siya ngayon at nagpapahinga, saka naman umere ang bagong TVC ng detergent na si Lea na ang endorser.

Nagtaka si Lea, “Why? I don’t understand why because I’m doing a different variety of Ariel, introducing ang brand new variety, a brand new variant, a brand new thing. It’s not a replacement, it’s addition!

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“So if anything, I think the fans of the commercials of the product should be glad that, ‘o here’s another option for you to maybe try and hopefully enjoy also. I’m also an (endorser), I’m not replacing anybody,” sagot ni Lea.

Hayan, maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi pinalitan ni Lea si Kris, dahil magkaiba ng variant ng Ariel na ineendorso nila.

Higit sa lahat, umeere pa rin ang TVC ni Kris, kaya maliwanag na walang pinalitan o hindi tinanggal si Kris bilang endorser ng nasabing detergent.

Tama si Lea na additional siya bilang endorser, at ipinakilala lang niya ang bagong dagdag na variant ng nasabing produkto.

At ang nakakalokang tanong na nabasa namin sa mga komento: “Sino kaya mas mahal, si Lea o si Kris?”

Anyway, nakapanayam si Lea sa isinagawang set visit sa reality show na The Voice Kids sa ABS-CBN, na papalit sa Idol Philippines

-REGGEE BONOAN