LUMAGDA ng promotional deal si WBC super flyweight champion Juan Francisco Estrada sa Matchroom Boxing USA at Zanfer Promotions na nakatakdang ihayag ang kanyang makakalaban sa susunod na linggo ngunit wala sa kanyang radar si four-division world titlist Donnie Nietes na matagal na siyang hinamon na makaharap sa ibabaw ng ring.

“The Mexican pound-for-pound star and former unified flyweight king will announce a defense of his title next week as he aims to unify at 115lbs, and the 29-year-old is delighted to be teaming up with Matchroom Boxing and Eddie Hearn, and plotting his path to pick up more titles live on DAZN,” ayon sa ulat ng Fightnews.com.

“I’m very excited to be fighting again on DAZN where I won the WBC title,” sabi Estrada. “I look forward to defending my title for Mexico and for all my fans and hopefully I can soon unify titles with the other champions of the division. I’m very motivated being champion once again and I’m ready to show that I’m a champion to be reckoned with.”

Ngunit iniiwasan ni Estrada na banggitin na makaharap si Nietes na kasalukuyang No. 4 sa WBC rankings at nanalo sa huling laban nito kay Kazuto Ioka noong Disyembre 31 sa Macao, China.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Handa si Nietes na harapin si Estrada kahit sa Mexico pa gawin ang laban dahil tatlong beses na siyang nagwagi sa nasabing bansa noong WBO minimumweight champion pa siya at naidepensa ang korona kina Erik Ramirez, Manuel Vargas at Mario Rodriguez sa puntos.

-Gilbert Espeña