MULING nagpalit ng import ang koponan ng Blackwater matapos nilang pauwiin ang naunang kinuhang si Jameel McKay na nabigong makumpleto ang kanyang papel para makalaro sa ginaganap na 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Kinuha ng Elite si Stephon Blair, produkto ng University of Central Florida para palitan ang dating Phoenix import na si McKay na napagpasiyahan ng management na pabalikin na ng US.

Ngunit, ayon sa ilang team officials, wala sa kundisyon si McKay at sa katunayan, nasasapawan pa ito sa ensayo ni Rabeh Al-Hussaini.

Dalawang linggo na sa Pilipinas si McKay na dapat sanang papalit sa kanilang nagkasakit na import na si Alex Stepheson.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ang 26-anyos na si Blair ay naglaro sa Belgium, Slovenia at Portugal matapos hindi makuha sa NBA draft noong 2016. Umaasa ang Elite na makakabangon mula sa natamong dalawang sunod na talo na nagbaba sa kanila sa ika-4 na puwesto taglay ang markang 5-3 mula ng mawala si Stepheson.

-Marivic Awitan