Nawalan ba kayo ng tubig ngayong araw?

(JANSEN ROMERO / MANILA BULLETIN)

(JANSEN ROMERO / MANILA BULLETIN)

Bahagyang nadagdagan ang tubig sa Angat Dam, na sumadsad sa critical level sa nakalipas na mga linggo, dahil sa El Niño.

Batay sa monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), tumaas sa 158.64 na metro ang water level sa Angat Dam ngayong Linggo, nadagdagan ng 0.68 metro mula sa 157.96 na metro kahapon.

National

German, tiklo; nagpuslit ng higit ₱55M halaga ng shabu, itinago sa mga Bibliya!

Gayunman, mas mababa pa rin ito sa 160-metrong critical level para mag-supply sa kabahayan sa Metro Manila.

Naniniwala naman ang National Water Resources Board (NWRB) na magtutuluy-tuloy nang madagdagan ang tubig sa Angat habang nag-uuulan sa bansa.

Bago magtanghali ngayong Linggo, namataan ng PAGASA ang bagyong ‘Egay’ sa 585 kilometro sa silangan-hilaga-silangan ng Virac, Catanduanes.

Kumikilos ito nang 20 kilometers per hour (kph) pahilaga-kanluran at posibleng hindi mag-landfall sa bansa.

Gayunman, paiigtingin ng Egay ang habagat, na magpapaulan sa Metro Manila, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Apayao, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Palawan, Romblon, Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Sorsogon, Masbate, Antique, at Aklan.

-Ellalyn De Vera-Ruiz