‘SUICIDE’, ito ang tanging nasabi mismo ng taga-GMA 7 nang sabihan silang itatapat ang seryeng Sahaya nina Miguel Tan Felix at Bianca Umali sa tinaguriang Hari ng Primetime na si Coco Martin sa aksyon serye nitong FPJ’s Ang Probinsyano simula bukas, Lunes.

coco at bianca

Oo nga naman, pang ilang programa na ba ang Sahaya na itatapat kay Cardo Dalisay? Sa totoo lang, nalimutan na namin dahil hindi na kami nagbilang pa, para saan pa, ‘di ba?

May mga gatas pa sa labi pareho sina Miguel at Bianca kung ikukumpara mo sa mga beteranong aktor na nasa Ang Probinsyano, kaya alam na kung anong mangyayari, tulad nga ng sinabi mismo ng taga-Siyete, ‘suicide.’

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Naniniwala naman kami sa reaksyong ito ng kausap namin, pero may kasabihan din na, ‘nakakapuwing ang maliit’ tulad ng kuwento nina David and Goliath. Bagamat hindi namin napapanood ang Sahaya ay maraming nagsabing maganda ang kuwento. ‘Yun nga lang, hindi masyadong kilala ang mga artista ng karamihan, e, kasi nga milenyal.

Pero aminin din natin na darating ang araw na ang mga artistang milenyal ay sisikat at makilala rin nang husto. Sana lang gumaling din sila sa pag-arte para hindi sila masabihang, ‘walang pinagkatandaan o tinatawag na ham actors.’

Anywa y , gus t o naming i-wish ng good luck ang Sahaya dahil hindi lang basta pader ang babanggain nila, sabi nga, ‘pinanday na ng panahon.’

Speaking of Ang Probinsyano ay tinanong kami kung malapit na ba itong magtapos dahil nawawala na ang ibang importanteng kaibigang pulis ni Cardo tulad ni Gido.

Sabi namin ay parang hindi naman dahil hindi n ama n major cast si Gido tulad nina Angel Aquino, Rowell Santiago, ang pamilya ni lola Flora (Susan Roces) at iba pang regular.

Siguro kapag namatay na ang mga kontrabida tulad ni Baron Geisler na halos isumpa ng mga manonood ng AP at si John Arcilla, isama pa sina Gardo Versoza at Lorna Tolentino, ay iyon na ang hudyat na magtatapos na ang FPJ’s Ang Probinsyano, maliban na lang kung may mga ipapasok na namang bagong kontrabida.

Kaya habang buhay na buhay ang mga kaaway ni Cardo, mataas ang ratings a t m a r a m i n g advertisement ang programa ay malabo itong mamaalam.

-Reggee Bonoan