BAGAMAT may nanalong dalawang Pinoy nitong Hunyo 22 sa Bangkok, natalo naman ang tubong Sarangani na si Sonny Katiandagho via 6th round TKO sa nasabing petsa sa walang talong Dutch na si Nick Frese para sa bakanteng WBC Asian Boxing Council welterweight title sa Workpoint Studio, Bak Phun, Thailand.

May perpektong rekord ngayon si Frese na 10 panalo, 8 sa pamamagitan ng knockouts at inaasahang papasok siya sa WBC welterweight rankings sa pagtatamo ng regional title.

Ikalawang sunod na pagkatalo ito ng 26-anyos na si Katiandagho sa pamamagitan ng stoppages makaraang matalo noong Disyembre 14, 2018 via 3rd round TKO kay Apinum Khongsong sa kanilang sagupaan sa Chiangmai, Thailans para sa IBF Pan Pacific super lightweight belt.

Bumagsak ang rekord ni Katiandagho sa 12 panalo, 5 talo na may 7 pagwawagi sa knockouts. - Gilbert Espeña

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!