NAGLABAS ng photos ni Matteo Guidicelli habang tinatapos ang kanyang training sa Camp Tecson, sa Facebook page na We Support AFP.

Iba’t ibang training ang ginagawa ni Matteo kasama ang Scout Rangers, na opisyal nang nagtapos nitong Huwebes.

Caption: “Army Reservist 2Lt Matteo Guidicelli stood up to all the challenges as he undergoes series of challenging physical obstacles while being timed with the aim of testing speed, endurance and agility. Challenge accepted.”

Marami ang nag-congratulate kay Matteo, at kahit hindi personal na kilala ng aktor ay nagpahayag ng pagmamalaki sa kanya. May umaasa pa ngang pamamarisan siya, hindi lang ng mga artista, pati na rin ng kabataan at gugustuhin ding pasukin ang pagsusundalo.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

May ilang netizens naman na nag-comment na sana ay hindi lang si Matteo ang ginagawan ng publicity, kundi maging ang “ordinary and unknown” na kumasa rin sa kaparehong challenge na gaya ng kay Matteo, para hindi lumabas na publicity ng militar ang pagpapalabas ng litrato ng mga training ni Matteo.

-Nitz Miralles