May tsansa ang Pinoy sa Olympic breakdancing

LAUSANNE, Switzerland (AP)— Breakdancing sa Olympics.

Siguradong may paglalagyan ang Pinoy sa pinakabagong sports na aprubado ng International Olympic Committee (IOC) bilang provisional sports sa 2024 Olympics sa Paris.

Nitong Martes (Miyerkules sa Manila), binigyan na ng go-signal ang organizers ang paghahanap ng venues sa mga kalsada ng pamosong lungsod ng France.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Pormal na nakapasok sa Olympic circles matapos isagawa sa Buenos Aires Youth Summer Games nitong Oktubre. Ang street dance competitions – pamoso para sa masang Pinoy – ay binubuo ng tig-16 atleta sa men’s at women’s event.

Isinulong ng IOC member ang kahilingan ng Paris officials nitong Pebrero, gayundin ng executive board nitong Marso na isama bilang provisional ang breakdancing sa programa, habang wala pang opisyal na desisyon sa Dsiyembre 2020.

Nais ng Paris na idagdag sa programa ang apat na sports, kabilang ang tatlo -- skateboarding, sport climbing, at surfing — na lalaruin na sa Summer Games sa Tokyo sa susunod na taon.

“It’s important for us in our concept to put sports out of the stadiums and in the heart of the city,” pahayag ni Tony Estanguet, Paris 2024 president.

Inaasahang isasama rin ang Breakdancing sa 2028 Los Angeles Olympics. Ayon kay IOC sports director Kit McConnel, ang sports program sa L.A. Games ay paguusapan sa 2021.

“Paris 2024 will choose a venue offering natural waves, as France boasts a number of well-known surfing spots on its Atlantic coast and in its overseas territories,” ayon sa pahayag ng organizing committee.

Kabilang ang French Polynesia, Caribbean at Indian Ocean sa pinagpipiliang venue, ayon kay International Surfing Association President Fernando Aguerre.