Politika at fake news sa SEAG, binira ni Cayetano

MISTULANG anay na sumisira sa matatag na pundasyon ng Philippine South East Asian Organizing Committee (PHISGOC) ang labis na pamumulitika sa Philippine Olympic Committee (POC), gayundin ang pagpapakalat ng ‘fake news’ na hadlang sa maayos na paghahanda para sa hosting ng 30th Southeast Asian Games na nakatakda sa Nobyembre.

(NANATILI ang tambalan nina POC chairman Bambol Tolentino at PHISGOC chairman Allan Peter Cayetano, sa kabila ng samu’t saring isyu sa Philippine Olympic Committee (POC) na nagpapabagal sa paghahanda sa SEA Games hosting. PHISGOC FILE PHOTO)

(NANATILI ang tambalan nina POC chairman Bambol Tolentino at PHISGOC chairman Allan Peter Cayetano, sa kabila ng samu’t saring isyu sa Philippine Olympic Committee (POC) na nagpapabagal sa paghahanda sa SEA Games hosting. PHISGOC FILE PHOTO)

Bunsod nito, umapela si PHISGOC Chairman Alan Peter Cayetano sa sports stakeholders na tantanan ang intriga at walang basehan na mga pahayag na nagdudulot lamang ng kalituhan sa publiko at negatibong imahe sa international sports community.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I urged sports officials to set aside personal interests and stop making irresponsible statements. Instead, let’s discuss the matters in proper venues,” pahayag ni Cayetano sa isinagawang media conference nitong Huwebes.

Kasama niyang umapela ng kahinahunan si POC chairman Abraham ‘Bambol’ Tolentino ng cycling – napapabalita na nais ng majority member ng Olympic body na pansamantalang pamunuan ang ‘interim group’ sa POC bago ang nakatakdang election sa 2020 Olympic calendar.

Nakatakda umanong isulong ito ng majority ng national sports association (NSA) sa gaganaping emergency General Assembly meeting sa GSIS bldg.

Kumabig ng bahagya ang diretsong paghahanda ng PHISGOC sa SEA Games hosting sa biglang pagbibitiw ni Ricky Vargas nitong Lunes bilang POC president matapos itong birahin ng ilang hindi nasisiyahang miyembro ng POC Board hingil sa pagkakadawit sa pagbuo ng PHISGOC Foundation.

Kaagad na itinulak ng Executive Board si 1st Vice President Jose ‘Joey’ Romasanta bilang kapalit batay umano sa ‘succession policy’ ng Olympic body. Ngunit, agad itong tinutulan ng majority NSA president, dahilan para hilingin ni Tolentino ang General Assembly meeting para maresolba ang isyu sa Hunyo 25.

Nakadagdag sa alalahanin ng mga NSA’s higit ng mga atleta sa inilabas na media statement ng kampon ni Romasanta na planong iurong ang SEA Games sa susunod na taon upang maisaayos umano ang liderato.

“We will not withdraw. There is no stopping the Philippines from hosting this year’s SEA games,” pahayag ni Cayetano.

Iginiit ni Cayetano na labas ang PHISGOC sa anumang uri ng hidwaan sa POC, higit ay personal na iniutos ni Pangulong Duterte na siguruhin ang tagumpay ng SEAG hosting sa pangangasiwa ng tanging lehitimong grupo – ang PHISGOC.

“We are not seeking support for PHISGOC, but we are doing this for the sake of our athletes, our National Sports Associations and for the nation in general,” sambit ni Cayetano.

“Philippine Sports Commission and Philippine Olympic Committee are included in the structure in order to ensure the successful Philippine hosting of the SEA games this year,” aniya.

Sa hiwalay na media briefing, nanindigan din sa Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez na walang dahilan upang hindi maituloy ang SEA Games.

“The SEA Games will proceed on November 30,” pahayag ni Ramirez sa media conferencesa PSC bldg. sa Manila. “I was already brief by the Executive Secretary with the instruction by the President.”

-EDWIN ROLLON