DearManay Gina,
Parang nagdududa po ako sa katapatan ng nobyo ko. Nito kasing nakaraang dalawang linggo ay nagpunta siya sa Leyte dahil sa kanyang trabaho. At habang naroon siya ay hindi man lang kami nagkausap kahit sa telepono.
Nabanggit ko ang tampo ko sa kanya, sa isa pa naming barkada. Ang sabi n’ya, baka raw nagkita ang aking bf at ang dati niyang kasintahan dahil tagaroon ito. Sabi ko naman, parang imposible ‘yon dahil matagal na silang walang contact sa isa’t isa. Pero sabi ng friend namin, nagte-text pa rin daw sa isa’t isa ang nobyo ko at ang kanyang ex-gf sa pamamagitan ng Facebook, kaya sigurado siyang alam ng nobyo ko kung pa’no sila makikita doon.
Ngayon, nalilito ako kung paano ko haharapin ang aking nobyo? Una, bakit hindi man lamang niya ako tinawagan sa telepono? At pangalawa, tungkol sa dati niyang gf na sinabi niya sa aking matagal nang wala sa buhay n’ya.
Charisse
Dear Charisse,
Tanungin mo siya nang walang halong galit kung bakit hindi ka niya tinawagan sa telepono nitong nagdaang dalawang linggo. Tapos, tanungin mo rin kung nagkita sila ng kanyang dating katipan. Kapag ikinatwiran niyang ni hindi niya alam ang Facebook account nito, at kung hindi rin kapani-paniwala ang rason n’ya sa hindi pagtawag sa ‘yo, senyales na ‘yon para makipaghiwalay ka.
At kahit mag-apologize pa siya, good judgment would suggest that his word is no good, and he’d be a poor bet for the long haul.
Nagmamahal,
Manay Gina
“Honesty is the first chapter of the book of wisdom.”
----- Thomas Jefferson
Ipadala ang tanong sa [email protected]
-Gina de Venecia