SIMULA nang mawala bilang miyembro ng Hashtag si Jon Lucas sa It’s Showtime ay bihira na siyang mapanood sa telebisyon at dumalang na rin ang projects niya. May manaka-nakang movie projects siya pero hindi ito sapat para buhayin ang pamilya niya.

Jon Lucas copy

Nitong Miyerkules ay nag-post si Jon ng pamamaalam niya sa Star Magic kung saan namalagi ng anim na taon (simula 2013) bilang miyembro ng Star Magic Circle.

Pinasalamatan ni Jon ang ABS-CBN: “Hello Kapamilyas all around the World! Just want to say thank you for everything! Thank you for the love that you gave me and my family :) Thank you for the wonderful six years you’ve given me! I will forever be grateful and blessed to be part of your wonderful family!”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Inamin din ng aktor na marami siyang pagkukulang sa Kapamilya network at pinasalamatan niya ang It’s Showtime.

“Maraming salamat sa mga oportunidad na binigay ninyo sakin. Oportunidad na totoong nagpabago sa aking buhay bilang isang tao. Mga oportunidad din na sinayang ko ng maraming pagkakataon.

“Alam ko kung gaano ninyo ako pinahalagahan noong una akong tumapak sa inyong tahanan, ramdam ko ‘yon at ng aking buong pamilya. Ngunit alam ko rin na ako’y lubos na nagkulang sainyo, lalo na sa mga taong malalapit sakin, na noong una ay labis-labis ang pagtulong sa akin para maabot ko ang aking mga pangarap.

“ L u b o s p o a k o n g nagpapasalamat sa inyo! Salamat sa sakripisyo at pang-unawa na hindi matatawaran. Salamat sa lahat ng mga boss! Maraming salamat sa starmagic family ko! Maraming salamat sa ‘It’s Showtime’ family ko na mga naging Kapamilya kong tunay sa mga nagdaang taon.

“Salamat sa malupit kong handler na si Ate Gidget Dela Cuesta. Sa loob ng anim na taon na katigasan ng ulo ko eh tinuring niya ako bilang anak (na pasaway) gayunpaman, maraming salamat sa mga payo at saway mo! Salamat sa lahat ng road managers ng Star Magic na matiyaga kaming iningatan at inalagaan!

“Salamat din sa mga kaibigan ko sa industriya! ‘Di ko na kayo iisa-isahin basta lahat ng nakatawanan ko, nakasama ko sa kalungkutan, sa kalokohan, sa mga meetings na malapit na kamo kami alisin! Kayo ay tinuring kong mga kaibigan. Da best kayo!”

Hindi rin nakalimutan ni Jon na pasalamatan ang marshalls at mga production staff na nakasama niya sa loob ng anim na taon. “Salamat din sa mga marshalls, art dept., cam dept., utilities, security guards, at sa mga masisipag na tagapaglinis ng tahanan ng ABS-CBN! Kahit hindi tayo magkakakilala, basta magkasalubungan tanguan agad na parang may secrets tayo sa isa’t isa. Mamimiss ko kayo kabatian ‘pag magkakasalubong tayo! “Salamat sa mga fans na naging tunay na kaibigan at kapamilya! Kung may pinakamahusay magtiyaga para sa taong mahal nila, ay kayo ‘yon! Hindi matatawaran ang hirap at pagod ninyo para lamang sa amin. Hindi namin kailanman masusuklian ‘yung efforts niyo! Ang kaya lang namin gawin ay mahalin din kayo tulad ng pagmamahal niyo sa amin!”

Sa mga pahayag na ito ni Jon ay tuluyan na niyang iniwan ang ABS-CBN.

Samantala, si tita Becky Aguila na ang bagong manager ni Jon at makakasama na niya sina Jennylyn Mercado, Empress Schuck, Andrea Brillantes at iba pa.

Nag-post din ang Becky Aguila Artist Management ng: “Welcome to the #famBAAM @lucas_aljhon ! Also a happy father’s day to you! We take pride knowing that a very talented young dad like you is finally part of our roster of artists. We are excited with this new journey with you! Thanks for the trust!”

Namataan na rin si Jon sa bakuran ng GMA 7 base sa post ng Solid Kapuso Solid Updates.

“SCOOP: Former Kapamilya actor and former Hashtag member Jon Lucas spotted on the shoot of the latest folio for GMA Artist Center - One proof of his move to the Kapuso realm of artists.”

-REGGEE BONOAN