SINALUBONG ng fans at supporters ang Korean star na si Park Bo-Gum sa pagdating nito sa Maynila ngayong Huwebes ng umaga.

PARK BO-GUM

Trending din sa Twitter ang paglapag ng aktor sa bansa, dahil sa pagpapahayag ng fans sa kanilang pagkasabik na makadalo sa fan meet ng heartthrob, na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa Linggo.

Orihinal na itinakda ang fan meet ng Love in the Moonlight star noong April 27, ngunit naudlot dahil sa sunud-sunod na lindol na tumama sa Luzon at Visayas.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Humingi ng paumanhin si Park Bo-Gum dahil sa pangyayari at hiniling sa fans na unawain ang kanyang naging desisyon.

“I apologize to all who have been waiting for the event and ask for your kind understanding. #PrayForPhilippines,” tweet ng Korean star nang oras na iyon.

Nagpahayag din ng simpatya ang Korean star sa mga naging biktima ng lindol.

“My heartfelt condolences and consolation to the victims of the earthquake and their families. I’ll pray for the Philippines, and may God’s protection and care always be with all people in the Philippines,” aniya.

-Ally Nievera