Patay ang isang pulis matapos na pagbabarilin ng riding in-tandem sa Cordova, Cebu, kaninang umaga.

Sa report na tinanggap ng Camp Crame mula sa Cebu Provincial Police Office (CPPO), nakilala ang biktima na si Police Chief Master Sergeant Deogenes Carillo.
Sa report ng pulisya, ang insidente ay naganap sa Cordova Central School sa Barangay Poblacion.
Matapos ang pamamaslang, kaagad na tumakas ang dalawang hindi nakikilalang suspek sakay ng isang motorsiklo.
Patuloy pa ring sinisiyasat ng pulisya ang insidente.
-Fer Taboy