PINAGHARIAN ni International Master Ricky De Guzman ang katatapos na Open Kitchen Chess Tournament nitong Martes sa Open Kitchen P. Tuazon Boulevard, Barangay Kaunlaran sa Cubao, Quezon City.

IBINIDA nina (mula sa kaliwa) Herson Bangay ng Lipa City, Batangas, Phil Martin Casiguran ng Caloocan City at Oshrie Jhames Reyes ng Dila Dila, Santa Rita, Pampanga, ang silver medal na napagwagihan nila sa team competition ng Standard, Rapid at Blitz team competition sa katatapos na 20th Asean + Age Group Chess Championships sa Golden Mandalay Hotel at Hotel Hazel sa Mandalay City, Myanmar.

Ang dating Asian Junior champion na si De Guzman ay nakakolekta ng apat na puntos para magkampeon sa 5 Round Tournament na nagsilbing punong abala si New York Chess League top honcho/boss Nonoy Rafael sa pakikipagtulungan nina China Aurelio, John Gomez, Popo Martinez at Jeff Dimalanta.

Magugunita na si De Guzman ang itinanghal na country’s best performer sa Open section ng 17th Asian Continental Chess Championships nitong Disyembre na ginanap sa Tiara Hotel sa Makati City.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nanguna naman si 8-times Illinois USA chess champion International Master Angelo Young sa grupo ng 3.5 pointers na kinabibilangan nina International Master Daniel Quizon, World’s First Fide Master Adrian Ros Pacis, National Master Romeo Alcodia at 7-times Philippine Executive Grand Prix Champion Dr. Jenny Mayor.

Ang iba pang manlalaro na lumahok sa one-day tournament na layuning maisulong ang pagkakaisa sa chess sina National Master Efren Bagamasbad, Genghis Katipunan Imperial, Edgar “Bote” Bautista, National Master Marlon Bernardino, Ron Demain, Noel Jay “Super B” Estacio, Zac Encarnacion, Jun Isaac, Jovito Quizon at Glenn Lemen.

Mismong si Asia’s First Grandmaster Eugene Torre, Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr. at Judge Hillario Laqui ang nanguna sa closing rites.