IPALALABAS ng ESPN+ sa live streaming sa United States at iba pang panig ng mundo ang sagupaan nina WBC bantamweight champion Nordine Oubaali ng France at No. 15 contender Arthur Villanueva ng Pilipinas sa Hulyo 6 sa Barys Arena, Nur- Sultan, Kazakhstan.

“According to MTK Global, this will be the first WBC world title bout to be contested on Kazakh soil,” ayon sa ulat ng Fightnews.com. “There have been other world title bouts in the country, notably a 2010 WBA middleweight title defense by Gennady Golovkin and three WBA world title bouts featuring Beibut Shumenov.”

Maestilo si Oubaali na may perpektong 15 panalo, 11 sa pamamagitan ng knockouts, ngunit lamang sa karanasan ang tubong Negros Occidental na si Villanueva na unang natalo sa kontrobersiyal na 10th round technical decision laban kay Puerto Rican McJoe Arroyo para sa bakanteng IBF super flyweight title noong 2015 sa Texas, United States.

Muling natalo si Villanueva kay Zolani Tete sa 12-round unanimous decision noong 2017 sa kanilang sagupaan para sa interim WBO bantamweight sa itinuturing na teritoryo ng South African na Leicester sa United Kingdom.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang ikatlong t a l o ni Villanueva ay sa non-title bout laban kay dating WBC bantamweight champion Luis Nery sa teritoryo ng Mexican na Tijuana ngunit napabagsak niya ito sa 4th round bago natalo ang Pinoy boxer sa 6th round TKO noong 2017 din.

May rekord si Villanueva na 32-3-1 na may 18 pagwawagi sa knockouts at umaasang magkakampeon sa ikatlong world title bout.

-Gilbert Espeña