Nasa 700 pasahero ang pinababa ng pamunuan ng Metro Rail Transit-Line 3 (MRT-3) nang dumanas ng electrical failure ang kanilang tren sa area ng Makati City,ngayong Miyerkules.

MRT

Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), pumalya ang isang tren sa northbound ng Guadalupe Station, bandang 8:17 ng umaga.

Electrical failure, na sanhi ng mga lumang electrical sub-components, sa motor ng tren ang sinasabing dahilan ng aberya.

'Impeach Sara!' Ilang progresibong grupo nagkilos protesta sa harap ng Kamara

"Shortly before this, at 8:17am, some of the passengers evacuated at the interstation of Guadalupe and Buendia. As of 8:25am, the said defective train gained traction," anunsiyo ng DOTr.

"The whole train was unloaded, with approximately 700 passengers," dagdag pa nito.

Agad na isinakay sa kasunod na tren ang mga pinababang pasahero, makalipas ang walong minuto.

-Mary Ann Santiago