WALANG kupas ang husay ni Michael V sa pagko-cover ng parody ng hit songs, na ginagawa niya sa Bubble Gang. Nangyari uli ito nang gawan ni Bitoy ng parody ang hit na Buwan ni JK Labajo, na kinanta niya sa gag show last Friday.

Dawn at Bitoy copy

Tinawag ni Bitoy na Naman ang parody song niya ng Buwan, na nag-viral at ang latest count ay may almost four million views na ito sa YouTube. Sa tulong ng toupee, binago ni Bitoy ang kanyang hitsura at nagmukha siyang rock star.

Pero, tama ba ang comment ng netizens na may patama sa naging Twitter war dati nina JK at Darren Espanto ang Naman ni Bitoy? Pakinggan n’yo nga ang song at kayo ang magsabi kung tama ang intindi ng netizens sa song?

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Samantala, halos kasabay ng poster at playdate reveal ng Star Cinema movie na Hello, Love, Goodbye ang labas ng poster ng movie nina Bitoy at Dawn Zulueta na Family History.

Wala lang poster reveal ang GMA Pictures at Mic Test Enterainment, ipinost na lang nila ang poster sa Instagram account ng GMA-7, kasama ang full trailer ng movie, na ipinalabas sa Sunday PinaSaya kahapon.

Sa July 24 na ang showing ng Family History, kung saan hindi magpapatawa kundi magda-drama si Bitoy. Siya rin ang director/writer/lead actor/producer ng pelikula. Tumulong din siya sa editing at siya rin ang sumulat ng theme song at siya rin ang kumanta.

May band version ang theme song ng movie na pinamagatang Ba’t Gano’n na inawit naman nina Miguel Tanfelix, Jemwell Ventinella, at Mikoy Morales.

-Nitz Miralles