YES, ang Studio 7 ng Kapuso Network ay binago na ang timeslot, at mapapanood na tuwing Sabado!

Patuloy na maghahatid ng world-class entertainment at walang humpay na kasiyahan ang hit musical-variety show ng GMA Network na Studio 7 sa bago nitong timeslot, simula ngayong Sabado, Hunyo 15.

Bukod sa trending musical performances ng mga bigating artista ng network, ang paboritong weekend night music tambayan ng Kapuso viewers ay may bagong hatid na segment na pinamagatang “Duet With Me”, isang singing competition para sa mga aspiring singers upang maipamalas ang kanilang galing sa pag-awit sa Studio 7 stage.

Tampok sa bagong segment na ito ang isang Studio 7 mainstay at dalawang contestants na magpapaligsahan sa tapatan ng biritan. Tatlong influencers kasama ang featured artist ang magdedesisyon kung sino ang tatanghaling winner matapos ang duet performance. Ang magwawagi ay mabibigyan ng fast pass upang mapasali sa Top 64 ng The Clash Season 2.

Relasyon at Hiwalayan

Arra San Agustin, ayaw ng may kahati sa relasyon: 'Alam ko worth ko!'

Excited na ang Studio 7 mainstays na sina Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose, West End Ms. Saigon’s “Gigi” Aicelle Santos, at pop heartthrob Mark Bautista, pati na rin sina Gabbi Garcia, Rayver Cruz, Kyline Alcantara, Migo Adecer, Mikee Quintos, Kate Valdez, Mavy at Cassy Legaspi, at The Clash alumni na sina Golden Cañedo, Jong Madaliday, Garrett Bolden, at Mirriam Manalo sa mas pina-level up na performances at productions numbers na ihahandog nila sa mga tagasubaybay.

Ipinakikilala rin ng Studio 7 ang pinakabago nitong mga miyembro—ang minamahal na tambalang “BoBrey” mula sa My Special Tatay na sina Ken Chan at Rita Daniela.

Abangan ang Studio 7 sa bago nitong timeslot simula ngayong Sabado, 10:00 pm, pagkatapos ng Magpakailanman, sa GMA-7.

-MERCY LEJARDE