SIMPLENG “hahahaha” lang ang sagot ni Marian Rivera sa followers niya na nagdidiskusyon na tumaba raw siya. Hindi naman negative ang comments ng supporters ni Marian. In fact, natutuwa sila dahil kahit mataba, maganda pa rin ang mommy nina Zia at Ziggy.

Marian at Zia copy

Comment ng isa, tumaba si Marian, na naiintindihan naman dahil two months pa lang after makapanganak ang aktres. Maganda ang sinabi ng netizen: “And no matter what you’re still Marian Rivera Dantes the most beautiful and sexy.”

Marami rin naman ang dumepensa kay Marian, dahil bukod sa two months pa lang nakakapanganak ang aktres, breastfeeding mom siya. Wala raw dapat ikabahala ang fans ni Marian dahil babalik din siya sa normal size, dahil alam naman ng aktres kung ano ang gagawin para pumayat.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Kaya siguro tumawa lang si Marian, at gugulatin na lang niya ang Kapuso viewers ‘pag bumalik na siya sa Sunday PinaSaya. Matatandaang nang makapanganak siya kay Zia ilang months lang ay payat na uli si Marian, at mabilis na nawala ang nadagdag na timbang sa kanya nang magbuntis.

In fairness, medyo malusog nga si Marian sa print ad nila ni Zia para sa Nido. Malaki ang braso at namumutok ang pisngi ng Kapuso Primetime Queen.

Pero, mabilis mawawala ‘yun. Give her a few more weeks at payat na uli siya.

-Nitz Miralles