ANO pa nga ba ang puwedeng maisulat tungkol sa beteranong aktor na si Eddie Garcia whose achievements bilang isang alagad ng sining ay mahirap tumbasan. He has done it all, ‘ika nga.

Eddie

He is probably the only actor na tumanggap ng napakaraming awards from various award giving bodies. Nakaluklok na nga siya sa Hall of Famers.

Kay Eddie Garcia namin narinig ang salitang “moderation”, na siyang sekreto ng mahabang buhay. Moderation sa lahat ng bagay, pagbibigay diin niya.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Isa siyang aktor na nagawang paghiwalayin ang kanyang pribadong buhay sa propesyonal niyang pamumuhay. He will share everything he knows tungkol sa pagganap but never open up tungkol sa personal na bagay.

Sa maraming ulit naming kapanayam kay Eddie, ‘di namin siya naringgang magsalita ng masama sa mga kasamahan niya sa industriya. Naniniwala siya sa karma. Positibo ang pananaw niya sa lahat ng bagay.

Mahal na mahal ni Eddie ang industriya and vice-versa.

As of writing, nananatiling kritikal ang kondisyon ng aktor mula sa aksidenteng naganap sa set ng bago niyang teleserye for GMA.

Patuloy namang humihiling ng dasal ang pamilya ng aktor para sa ikabubuti ng kanyang kondisyon.

-Remy Umerez