MARAHIL kung nasagot nang maayos ni Vickie Rushton ang tanong sa kanya ng isa sa mga hurado sa coronation night ng Binibining Pilipinas 2019 nitong Linggo, na si Daniel Padilla, baka naging kinatawan pa rin siya ng bansa sa ibang international pageant, kahit pa hindi niya nasungkit ang titulong Miss Universe Philippines.

VICKIE

Simula pa sa pre-pageant noong Hunyo 2 ay maingay na ang pangalan ni Vickie sa social media, hanggang sa unang bahagi ng coronation night nitong Linggo, kung saan humakot siya ng special awards.

Actually, kalaban niya sina Miss Talisay, Cebu—ang tinanghal na Miss Universe Philippines 2019 na si Gazini Christiana Ganados—Cebu, Pampanga, Bataan at Maguindanao, pero pagdating nga sa Q&A ay hindi na nasagot ni Vickie ang tanong ni Daniel kung ano ang opinyon niya sa kahalagahan ng mental health.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Base sa panayam ng Umagang Kay Ganda kay Vickie ngayong Lunes, inamin niyang na-distract siya sa isang audience na tumayo at nag-make face sa kanya.

Handa namang sagutin ng dalaga ang tanong kaso nawala na ito sa isipan niya dahil sa distraction.

At dahil sa telebisyon namin napanood ang 2019 Binibining Pilipinas, inisip naming ninerbyos si Vickie kay Daniel, kaya hindi niya nasagot nang maayos ang tanong.

Kaya ang ending, hindi nakapuwesto si Vickie.

Bukod kay Gazini, na pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2019, panalo rin sina Bea Patricia Magtanong, Bb. Pilipinas International 2019; Resham Ramirez Saeed, Bb. Pilipinas Supranational 2019; Emma Mary Tiglao, Bb. Pilipinas Intercontinental; Samantha Lo, Bb. Pilipinas Grand International 2019; at Leren Mae Bautista, Bb. Pilipinas Globe 2019.

Samantala, habang rumarampa si Miss Universe 2018 Catriona Gray para sa kanyang final speech ay halos iisa ang nabasa naming komento sa social media: “Puwede bang i-extend (ng reign) si Catriona?”

Ang ganda naman talaga ni Catriona nu’ng gabing ipasa niya kay Gazini ang kanyang Miss Universe Philippines. Pero siyempre pa, suot naman ni Catriona ang kanyang Mikimoto Miss Universe 2018 crown.

Iisa ang tanong ng lahat, muli rin kayang isasalin ni Catriona ang kanyang korona kay Gazini sa Miss Universe 2019 pageant sa huling bahagi ng taong ito?

-REGGEE BONOAN