IKINATUWA ng Kapuso viewers ang muling pagkikita nina Ahmad (Miguel Tanfelix) at Sahaya (Bianca Umali) sa GMA primetime series.

Bianca

Matagal nilang hinintay ang reunion ng dalawang bida, kaya bumuhos ang pagmamahal ng kanilang fans online sa naturang episode.

Nag-trending ang #SahMadMoment, patunay na hindi pinalampas at na-miss ng fans ang dalawang Kapuso stars. Bukod dito, lalong dumarami ang nahu-hook sa Sahaya dahil inspirational ang kuwento nito tungkol sa isang dalagang Badjao na nagsisikap na abutin ang kanyang pangarap sa kabila ng mga balakid.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ayon kay @camp_daniell19: “Sahaya is a masterpiece. A work of art. And it feels good to watch this kind of teleserye every weekdays.”

Dagdag naman ni @cellieriverie: “I like that the story just revolves around the two families. Galing ng nag-isip ng kwento.”

Kudos sa buong team ng Sahaya!

Samantala, lalong nagiging intense ang mga kaganapan sa buhay ni Sahaya dahil marami pang mabubunyag tungkol sa kanyang tunay na pagkatao! Aaminin na ba ni Harold (Zoren Legaspi) kay Sahaya na siya ang ama nito? Lalo bang titindi ang inggit ni Lindsay (Ashley Ortega) kay Sahaya?

Tutok na sa Sahaya gabi-gabi, pagkatapos ng Kara Mia, sa GMA Telebabad!

-MERCY LEJARDE