Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pasahero kaugnay ng naranasang delayed flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

AIRPORT

Sa kanyang pagbisita sa nasabing paliparan kahapon ng umaga, nangako ang Pangulo sa mga pasahero na gagawa ng paraan ang pamahalaan sa loob lamang ng isang buwan upang mapaganda ang operasyon ng airport.

Nakipagpulong din si Duterte sa mga airline at NAIA official kaugnay ng usapin.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“The Chief Executive discussed how flight aberrations could be minimized and what actions could be employed by the government, particularly the Department of Transportation, to solve the problem in the long term. He then talked to the passengers apologizing to them on the inconvenience caused by the disruptions. The President vowed to come up with a remedy within a month,” ayon sa pahayag ng Malakanyang.

Sa nasabing pagpupulong, inalam nito sa mga naturang opisyal ang naging problema sa delayed flights at cancellations at kung nabigyan ng kaukulang insentibo ang mga naapektuhang pasahero.

“After the surprise inspection, the President took a break at one of the food kiosks at the airport,” ayon sa pahayag ng Malakanyang.

Nauna nang idinahilan ng mga nasabing opisyal ang inilabas nilang lightning alert na nagpatigil sa ground movement sa loob ng dalawa’t kalahating oras. Ilan sa mga pasahero ay nag-divert na lamang ng flight sa Clark airport.

-Genalyn Kabiling