Nagbabala kahapon sa publiko si Health Secretary Francisco Duque III na posibleng magkaroon ng pagtaas ng dengue cases sa bansa ngayong taon.

DENGUE (22)

Hanggang ngayong Hunyo aniya ay mahigit sa 70,000 ang na-dengue, batay na rin sa naitala ng Department of Health (DOH).

Inaasahan na aniya nilang posibleng umabot pa ito hanggang  200,000 bago matapos ang taong ito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Paliwanag ng kalihim, ang dengue ay hindi seasonal lamang at itinuturing na all-year round problem kaya’t dapat aniyang maging maingat ang lahat laban sa naturang sakit.

Aniya pa, tuwing ikatlo hanggang ikaapat na taon, ay inaasahang tataas ang dengue cases, tulad na lamang aniya noong mga taong 2009, 2013 at 2016, na pumalo rin ng may 200,000 ang naitala nilang dengue cases sa bansa.

-Mary Ann Santiago