Good news, mga motorista!

(photo by Bernadett Szabo/Reuters)

(photo by Bernadett Szabo/Reuters)

Certified big-time ang rollback na ipatutupad ng Pilipinas Shell sa Martes.

Sa pahayag ng Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga sa Martes, Hunyo 11, ay magbabawas ito ng P2.70 sa kada litro ng diesel, P2.60 sa kerosene, at P2.45 sa gasolina.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa kaparehong bawas-presyo, na bunsod ng pagbaba ng presyuhan sa pandaigdigang pamilihan.

Probinsya

4 arestado sa 'di awtorisadong pagbebenta ng langis

Una nang nagrollback ang Phoenix Petroleum ng P2.70 sa diesel nito at P2.60 sa gasolina kagabi.

-Bella Gamotea