PANGUNGUNAHAN ng tatlong namuno sa world under 19 championship ang Gilas Pilipinas Youth squad na sasabak sa FIBA Under 19 World Cup.

Muling mamumuno sina twin tower Kai Sotto at AJ Edu kasama si Dalph Panopio sa 14-man national pool para sa darating na global meet na idaraos sa Heraklion, Greece sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 7.
Ang 6-foot-10 Filipino-Nigerian na si Edu na kasalukuyang nag aaral sa University of Toledo ay dumating sa bansa nitong Martes habang kahapon naman bumalik ng bansa si Sotto buhat sa US kung saan ito nagsasanay para sa ambisyong makapasok ng NBA.
Makakasama naman ng koponan si Panopio sa pocket tournament na lalahukan nila sa Doha.
Ang iba pang nagbabalik na miyembro ng 2018 FIBA Under-18 Asia Cup team ay sina Dave Ildefonso, Migs Oczon, Rhayyan Amsali, Gerry Abadiano, Xyrus Torres, Joshua Ramirez, Bismarck Lina, at Geo Chiu.
Makakasama nila sina Terrence Fortea ng NU, James Spencer ng UP at Carl Tamayo.
Ang final 12 ay nakatakdang ihayag pagkatapos ng Doha meet.
Ang Gilas Pilipinas Youth na gagabayan ni coach Sandy Arespacochaga ay kabilang sa Pool C kasama ng host Greece, Argentina, at Russia.
-Marivic Awitan