Magpapatupad ang Subic-Clark-Tarlac Expressway o SCTEX ng panibagong toll fee increase simula sa susunod na Biyernes, makaraang aprubahan ng Toll Regulatory Board ang hiling nitong karagdagang P0.51 kada kilometro sa toll fee.

TOLL

Ayon sa NLEX Corp., na operator ng SCTEX, ang bagong toll hike ay sisimulang singilin bandang 12:01 ng umaga sa Biyernes, Hunyo 14.

Alinsunod sa bagong toll rates, ang mga Class 1 vehicles, o mga ordinaryong kotse na bibiyahe mula Mabalacat City (Mabiga Interchange) sa Pampanga hanggang sa Tarlac, ay kinakailangang magdagdag ng P20, o mula sa dating P104 na toll fee, ay magiging P124 na ang sisingilin sa kanila.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang mga Class 2 vehicles, na kinabibilangan ng mga bus at mga small commercial trucks, na bibiyahe sa kaparehong ruta ay madaragdagan naman ng P40 ang babayaran, o mula P208 ay magiging P248 na.

Ang mga trailer trucks naman, na kabilang sa Class 3 vehicles, ay magbabayad ng karagdagang P60, o magbabayad na ng P372 mula sa dating P312.

Samantala, kung ang ruta naman ay mula Mabalacat at Tipo at Subic, ang mga Class 1 vehicles ay kinakailangang magdagdag ng P32, P66 ang dagdag kung Class 2 vehicles, at P98 kung Class 3 vehicles.

Ayon sa NLEX, ang naturang petition for toll rate adjustments ay taong 2011 pa inihain ng Bases Conversion and Development Authority.

Mary Ann Santiago