Napaulat na na-revive na ang beteranong aktor na si Eddie Garcia makaraang mawalan ng malay sa taping ngayong Sabado ng umaga.

(Kuha mula sa Facebook page ni Vivian Velez)

(Kuha mula sa Facebook page ni Vivian Velez)

Kumalat ngayong Sabado sa social media ang ulat ng pagkakatumba ng 90-anyos na aktor habang nasa kalagitnaan ng taping ng bago niyang serye sa GMA-7 na “Rosang Agimat”.

Sa litratong ipinost sa Facebook ng dating aktres na si Vivian Velez, makikitang walang malay na buhat-buhat si Eddie ng staff ng serye.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Batay sa post ni Vivian, “critical” umano ang kondisyon ni Eddie sa ospital sa Tondo, Maynila.

Nanawagan pa si Vivian ng panalangin para sa agarang paggaling ng aktor.

Makaraang ma-revive si Eddie ay inilipat siya sa isang ospital sa Quezon City, ayon sa media reports.