MUKHANG mag-i-enjoy ang moviegoers sa pelikulang The Panti Sisters dahil pictorial at poster pa lang ng movie na entry sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino ay nakakatawa na.

Christian, Paolo at Martin copy

Isa ang nasabing pelikula sa inaabangan ng publiko dahil gusto nilang matawa, matuwa at kiligin.

Ang mga bida sa The Panti Sisters ay sina Paolo Ballesteros, Christian Bables at Martin del Rosario at sa billing sa poster, napansin namin na solo sa taas ang pangalan ni Paolo. Sa second line ang name nina Christian at Martin at mapapansin na mas una ang pangalan ni Christian at huli ang name ni Martin na walang nakalagay na “and.”

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Mula ang pelikula sa direksyon ni Jun Robles Lana at produced ng Black Sheep, The IdeaFirst Company at ALV Films. Kasama rin sa cast sina Carmi Martin, Rosanna Roces at John Arcilla.

Tiyak na punumpuno ang pelikula ng katatawanan.

-Nitz Miralles