REFRESHING mag-interview ng artist na buo ang pang-unawa sa kanilang tungkulin sa lipunan, tulad ni Noel Cabangon. Reboot na rin ito sa tulad naming sawang-sawa na sa walang katapusang bangayan ng iba’t ibang personalidad.

Noel

Iniharap ng Pharex Health Corp. sa reporters si Noel Cabangon kasama sina Mr. Fu, Gold Villar-Lim, Dra. Teresa Gloria-Cruz, at Tomas Luke Marcelo “Beau” Agana, presidente ng kompanya sa press launch ng “Kapag boses ang puhunan” campaign ng Sorexidine Gargle na sponsor sa muling pagbabalik sa stage ng Rak of Aegis ng PETA.

Member ng PETA si Noel pero ngayong Season 7 ng Rak of Aegis lang siya sasali sa play. Magsisimula ang muling pagtatanghal ng Rak of Aegis sa Hulyo 5 hanggang Setyembre 29.Tinanong ko si Noel kung napag-uusapan ba sa sirkulo ng cultural workers ang pagkakahati-hati ngayon ng artists.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“The division is caused by politics,” sagot ng singer-composer.

“Siyempre, kasi dapat kaming mga artist, we’re supposed to create harmony. Kasi ‘yon naman ‘yong (role namin). But siyempre dahil me kanya-kanyang pinaniniwalaan, depende na ‘yon sa discernment mo whichever one is really the correct one, kung ano ‘yong tama at totoo.”Member si Noel ng Buklod na sumulat at kumanta ng Tatsulok noong 1989 (ni-revive ni Bamboo), ano ang masasabi niya na hanggang ngayon ay marami pa rin ang hindi nakauunawa na, “Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban/Ang kulay at tatak ay ‘di s’yang dahilan”?

“Kasi ang context naman ng kanta na ‘yon is about the social structure na hindi talaga nagkakaroon ng progreso ang buhay ng maraming Pilipino. It’s also because of how the society is structured, so andaming mahihirap, konti lang ang mayayaman. Kasi hindi equal ‘yong distribution... o sabihin na lang natin na ‘yong equity na nakukuha ng mas nakararami hindi sapat para magkaroon ng disenteng pamumuhay.”

Lalo na ngayong sumambulat ang balita na binibili ng umaabot sa P7M ang isang boto para sa speakership sa Kongreso?

“’Yon ang nakakalungkot,” sagot ni Noel, “kasi very brazen... lantaran ‘yong corruption. I don’t know what happened to our values.”May natatanaw pa ba siyang pag-asa para sa lipunang Pilipino?

“That’s the only thing that we can cling on to. Meron naman, meron pa rin sigurong pag-asa at may pagbabago na mangyayari pa rin.”

-DINDO M. BALARES