Inaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang apat na high-value drug target suspects at nasamsam ang P6.8 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa isang hotel sa Ermita, Manila, nitong Linggo ng hapon.

SHABU_ONLINE

Kinilala ni PDEA Director-General Aaron Aquino ang mga inaresto na sina Talicop Saipoding Pumbaya, Mahdi Sodeit Salic, Maromaya Johary Mamocarao, at Sultan Saipoden Alnao.

Sa ganap na 5:30 ng hapon nitong Hunyo 3, nagsagawa ng entrapment operation ang mga elemento ng PDEA Region IV-A (PDEA CALABARZON), sa ilalim ni Director Adrian G Alvariño, PDEA Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao (BARMM) at PDEA National capital Region (NCR) sa isang hotel na matatagpuan sa Barangay 669 sa ikalimang distrito ng Maynila.

Hanash ni Roque: 'May karapatan akong tawaging bangag si Marcos Jr!'

Sa operasyon, agad na dinampot ng mga tauhan ng PDEA ang mga suspek nang tanggapin ng mga ito ang buy-bust money kapalit ng tinatayang nasa isang kilo ng shabu, na nakasilid sa pakete at Guanyinwang Tea Packaging.

Kakasuhan ang mga suspek sa paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 26 (Attempt or Conspiracy) sa Article II ng Republic Act 9165 o (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Kasalukuyan silang nakakulong sa PDEA ROIV Jail Facility sa Camp Vicente Lim, Calamba City Laguna.

-Chito A. Chavez at Fer Taboy