TAMA naman si Jessy Mendiola, kung ayaw ng netizens sa mga pino-post niyang pictures sa Instagram (IG) account niya, unfollow her.

Jessy at Luis copy

Ito ang sagot ni Jessy sa follower niya na nagreklamo ng, “’No ba ‘yan? Mas maganda po mga simple na post mo. Puro na lang naka-bikini po.”

Sagot ni Jessy sa naturang post na sinang-ayunan ng iba niyang followers: “Please just unfollow if you don’t like my posts. Thank you.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kinuyog naman ng fans ni Jessy ang nagreklamong netizen, ang ending, deactivated na ang IG nito at nakalagay ay “user not found.”

Nakakatawang basahin ang mga comment ng defenders ni Jessy na for sure, pati ang aktres natawa. Kasi naman, pati pagsu-swimsuit ni Jessy at ng ibang celebrities pinakikialaman, ayun, nakuyog tuloy.

Sa latest post pala ni J e s sy, magka s ama sila ni Luis Manzano na nagbakasyon sa Tubbataha Reefs Natural Park. In fairness sa dalawang ito, isa sa favorite nilang puntahan ang different beaches ng bansa dahil scuba diver si Jessy.

Marami nga talaga ang naiinggit kay Jessy dahil maganda na, seksi at kilalang celebrity pa. Idagdag pa na boyfriend niya si Luis na mayaman at sikat ding celebrity.

-Nitz Miralles