MATAPOS ang matagumpay na kampanya sa 2019 National Senior Chess Championship (Standard competition) na ginanap sa Philippine Academy for Chess Excellence (PACE) No. 56 Mindanao Avenue sa Project 6, Quezon City nitong Biyernes, ang 8-times Illinois, USA chess champion n si International Master (IM) Angelo Abundo Young ay nakatutok sa world stage sa pagsabak sa 2019 World Senior Chess Championships sa Bucharest, Romania sa Nobyembre 1-24.

“I hope to do well in the upcoming 2019 World Senior Chess Championship on November 11 to 24 in Bucharest, Romania,” pahayag ng Marilao, Bulacan resident na ipinagmamalaki ni newly-elected Bulacan governor Daniel Fernando at Barangay Malamig chairman Marlon Manalo ng Patrol Party-list.

Tinalo ni Young si Sydney, Australia based Edgar “Bote” Bautista sa 31 moves ng Dutch defense sa final canto para magkampeon sa 12 player’s field single round-robin format na may undefeated record na 9 wins at 2 draws sa 11 outings.

Ating magugunita na si Young na board 1 player ng Tagaytay City Chess Team na tumapos ng 3rd overall sa 2018 Malaysian Chess Team Festival in Kuala Lumpur, Malaysia. Si Young din ang nagkampeon sa Rapid at Blitz event ng 2018 Asian Senior Chess Championships sa Tagaytay City.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Magkasalo naman sina Eduardo Tunguia at Fide Master Adrian Ros Pacis sa 2nd hanggang 3rd placers na may nakamadang tig 8 points.

Nanatili naman si Bautista sa 7.0 points, iskor ding naitala nina National Master Efren Bagamasbad at Agripino Camposano.Si Agripino naman ang nagwagi sa 65 years old and above.

Samantala dinomina nina Jasper John Lazaman (7.5 points) at Alexis Anne Osena (7.5 points) ang kani-kanilang dibisyon sa National Championship Elimination round (Luzon).

Inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines sa gabay ni Chairman/President Surigao del Sur Rep. Prospero “Butch” Arreza Pichay Jr. sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission at ng Philippine Olympic Committee. Ang Tournament Director ay si GM Jayson O. Gonzales habang ang Chief Arbiter ay si IA Gene J. Poliarco.-Marlon Bernardino