Ang dating si Edward Cullen ay magiging Bruce Wayne na.

Robert Pattinson

Robert Pattinson

Ang 'Twilight' star na si Robert Pattinson ang napili bilang bagong Caped Crusader para sa nalalapit na bagong pelikulang 'The Batman'.

Nitong Biyernes inihayag ng Warner Bros. Studios, ang nasa likod ng pelikula, na ang 33-anyos na aktor ang bibida sa trilogy ng Batman films, na ididirehe ni Matt Reeves.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Ayon kay Matt, pinagpilian ng Warner si Robert at ang aktor na si Nicholas Hoult, at ninais pa ng studio na kapwa mag-tape ang dalawa upang masigurado na tama ang magiging desisyon, base sa performance at pagganap ng dalawang aktor sa comic book character.

Huwebes nang gawin ang pagpupulong, at si Robert ang napili para sa role ni Batman.

Nakatuon ang pelikula sa formative stages ni Bruce Wayne bilang Batman, kaya kinakailangan umano na nasa early 30s ang edad ng gaganap.

Tanging ang release date na Hunyo 25, 2021 ang inilabas na impormasyon ng studio para sa The Batman.

Patrick Garcia