Mga Laro sa Linggo

(Rizal Memorial Baseball Stadium)

8:00 n.u. -- RTU vs ADU

11:00 n.u. -- KBA vs ADMU

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

2:00 n.h. -- Thunderz vs RTU-Alums

ANG tapatan ng dalawang koponang kapwa nasa ilalim ng paggabay ni Philippine Men’s Baseball National Team head coach Egay Delos Reyes -- IPPC Nationals at National University Bulldogs -- ay mauurong sa susunod na buwan.

Ito’y matapos ang biglaang pagpapaliban ng mga nakatakdang laro ng 2019 Philippine Baseball League’s Open Conference ngayon (Hunyo 1) sa Hulyo 16 dahil sa idaraos na team building activity ng Philippine Sports Commission.

“Due to the team building activity of the Philippine Sports Commission on May 31 and June 1 we will postpone the PBL Games scheduled on June 1. These games will be moved to June 16,” pahayag ni Philippine Amateur Baseball Association secretary-general Pepe Munoz.

Bukod sa salpukang IPPC-NU tilt, ang iba pang mga laro na kasamang naurong sa nabanggit na petsa ay ang laban ng DLSU Green Batters at UST Golden Sox at ang tapatang UP Fighting Maroons - Thunderz All-Stars.

Ang orihinal na schedule ay magpapatuloy bukas-Linggo sa pamamagitan ng nakatakdang tripleheader.

Kabilang sa mga larong matutunghayan bukas ang salpukan ng KBA Stars at Ateneo Blue Eagles ganap na 11:00 ng umaga, RTU Thunder kontra Adamson Soaring Falcons sa pambungad na laban ganap na 8:00 ng umaga at ang sagupaan ng Thunderz at RTU-Alums ganap na 2:00 ng hapon.

-Marivic Awitan