ANG pelikulang Block Z, na idinirek ni Mikhail Red, na ba ang huling project nina Joshua Garcia at Julia Barretto bilang love team?

Julia at Joshua

Kaya namin ito naitanong dahil wala pang teleseryeng pagsasamahan ang d a l a w a , walang f o l l o w - u p a n g Ngayon at Kailanman, na nagtapos noong Agosto 2018.

Una nang ipinareha si Julia kay Gerald Anderson sa pelikulang Between Maybes, na nagkaroon pa ng isyu dahil sa kissing scene na balitang ikinaselos daw nang husto ni Joshua, dahil hindi siya ang naunang screen kiss ng girlfriend niya.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Kaya may sitsit pa nga na hiwalay na raw ang JoshLia, pero wala namang pormal na pag-amin mula sa sino man sa kanila. Kamakailan, klinaro ni Joshua na hindi mawawala ang love team nila, pero hindi rin naman niya sinabing sila pa rin o hindi totoong naghiwalay na sila.

Anyway, may bagong teleserye si Joshua, at si Janella Salvador ang kapareha niya sa The Killer Bride, na pagbibidahan ni Maja Salvador. Nagkaroon na ito ng story conference nitong Lunes.

Going back to Block Z, wala pang ibinigay na playdate sa movie dahil nagsu-shooting pa yata. Interesting ang pelikula ni Direk Mikhail, dahil ‘tila hango ito sa kuwento ng zombie movie na 28 Days Later, na ipinalabas sa Pilipinas noong 2003.

-REGGEE BONOAN