Patay ang isang umano’y kasapi ng New People’s Army (NPA) matapos na makasagupa ng militar ang grupo nito sa Borongan, Eastern Samar, nitong Huwebes ng umaga.

Sa report ng 14th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army, kinikilala pa nila ang nasawing rebelde na inabandona ng kanyang kasamahan sa pinangyarihan ng sagupaan.

Naiulat na nagsasagawa ng operasyon ang tropa ng pamahalaan sa Sitio Bagong Barrio, Barangay Pinanag-an nang makasagupa ang tinatayang aabot sa 50 rebelde, dakong 7:30 ng umaga.

Matapos ang ilang minutong bakbakan, agad na umatras ang mga rebelde patungong kabundukan.

National

Benhur Abalos, bumisita kina Ex-VP Leni sa Naga; nag-donate sa typhoon victims

Nasamsam sa lugar ng engkuwentro ang isang  cal. 357 magnum na may apat na bala, improvised explosive device (IED), dalawang agazine ng sa AK-47 ridfle, dalawang rifle grenade, isang M203 ammunition, 15 backpacks, assorted na  gamot, tatlong blasting caps, limang cellphone at ilang subersibong dokumento.

Paglilinaw ng militar, walang nasugatan sa panig ng gobyerno.

-Fer Taboy at Marie Tonette Marticio