Nakahanda na ang Armed Forces of the Philippines – Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom) sa pagpapadala ng karagdagang tropa ng pamahalaang sasagupa sa bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu.

DEPLOYMENT (21)

Ito ang kinumpirma kahapon ni AFP-WestMinCom Commander Lt. Gen. Arnel Dela Vega at sinabing ang nasabing military unit ay mula sa 1st Brigade Combat Team (1st-BCT).

Idinahilan nito ang kakulangan pa ng mga tauhan ng bagong tatag na 11th Infantry Division (ID) ng Philippine Army pagsapit ng 2022.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

“The soldiers  from the 1st-BCT will  also help to  sustain the momentum the AFP has gained in the fight against the ASG who is known of sowing terror, death, and destruction in Sulu,” ayon kay Dela Vega.

Layunin din aniya ng kanilang hakbang na maproteksiyunan at makapamuhay nang payapa ang mamamayan sa nasabing lalawigan.

-Nonoy E. Lacson