Hindi maaaring gawing state witness si Peter Joemel Advincula, alyas “Bikoy”.

BIKOY

Ito ang paglilinaw kahapon ni Justice Secretay Menardo Guevarra.

Aniya, bagamat bukas sila na posibleng pag-a-apply ni Advincula sa witness protection program (WPP) ng DoJ ay dadaan pa ito sa masusing pagsasala.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Wala naman aniyang makapipigil kay Bikoy kung nais nitong mag-apply sa WPP at makakuha ng proteksyon mula sa gobyerno.

Gayunman, nilinaw ni Guevarra na hindi naman ito basta-basta na lamang ibinibigay ng pamahalaan..

Dagdag ng Kalihim, kailangan pa rin ni Bikoy na magsumite ng lahat ng requirements na kailangang iharap sa WPP para mapasailalim sa full coverage ng isang state witness.

Sa ngayon, wala pa ring ebidensiya at sinumpaang-salaysay si Bikoy na susuporta sa kanyang naging pagbubunyag na nagsasangkot sa pamilya Duterte sa illegal drugs.

-Beth Camia