KUMAKAIN ng ice cream si Angelica Alita sa tabi ng boyfriend nitong si Cavite Vice-Governor Jolo Revilla, pero hindi ang masarap na ice cream, na sabi ni Angelica ay favorite niya, natuon ang pansin ng netizens.

Angelica at Jolo copy

Sa suot na singsing ni Angelica na-focus ang mga mata ng kanilang followers sa Instagram (IG) dahil engagement ring daw ang singsing. Kaya naman binaha ang dalawa ng mga tanong kung engaged na sila, pero wala silang sagot.

Kahit walang sagot at hindi kinumpirma nina Jolo at Angelica na engaged na sila, sunud-sunod pa rin ang congratulatory messages sa kanilang dalawa. May nagtanong pa nga kung kailan ang kanilang kasal na hindi rin nila sinagot.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Ang caption ni Jolo sa litrato nila ni Angelica: “Ang tamis naman... ang lagkit pa ng tingin.”

May nag-agree sa caption ni Jolo, matamis daw talaga ang ice cream at ang ma-in love, kaya ang payo nito, magpakasal na sila.

-Nitz Miralles