Nakalabas na ngayong Sabado ng umaga si Peter Joemel Advincula, alyas “Bikoy”, sa Philippine National Police (PNP) General Hospital, at malaya na rin makaraang magpiyansa sa kasong estafa.

LAYA MUNA Ineskortan si Peter Advincula, alyas Bikoy, ni CIDG-NCR Chief P/Lt. Col. Arnold Thomas Ibay at nakababata niyang kapatid, matapos na magpiyansa sa Camp Crame sa Quezon City, nitong Biyernes. ALVIN KASIBAN

LAYA MUNA Ineskortan si Peter Advincula, alyas Bikoy, ni CIDG-NCR Chief P/Lt. Col. Arnold Thomas Ibay at nakababata niyang kapatid, matapos na magpiyansa sa Camp Crame sa Quezon City, nitong Biyernes. ALVIN KASIBAN

Ayon kay Police Colonel Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP, nakalabas si Advincula sa ospital ng umaga, at dinala sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para sa dokumentasyon.

"He was already discharged from the hospital early this morning. He is now undergoing final documentation at CIDG-NCR prior to his release to his relatives," sabi ni Banac sa BALITA.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon kay Police Supt. Arnold Thomas Ibay, hepe ng CIDG-NCR, isinailalim sa dokumentasyon si Advincula, sa ganap na 9:00 ng umaga.

Sa ganap na 1: 20 ng hapon, dinala si Advincula sa nakababata niyang kapatid, si Joseph, na umalalay sa kanya sa pag-alis sa Camp Crame.

Pinalaya si Advincula nang magpiyansa ng P1,000 sa bawat six counts ng estafa, na isinampa sa kanya sa Baguio City Regional Trial Court (RTC), ayon kay Banac. Nagpiyansa siya sa tulong ng kanyang pamilya nitong Biyernes.

Isinugod si Advincula sa PNP hospital nitong Biyernes ng umaga nang pumalo ang kanyang blood pressure sa 130/90.

Ito ay nangyari matapos siyang iharap ng PNP sa media nitong Huwebes nang pasinungalingan niya ang una niyang pahayag laban sa pamilya ni Pangulong Duterte at iba pang pulitiko.

Martin A. Sadongdong at Fer Taboy