Naospital ngayong Biyernes si Peter Joemel Advincula, alyas “Bikoy”, makaraang sumakit ang ulo at dibdib.

Si Peter Joemel Advincula, alyas Bikoy, sa Camp Crame, Quezon City nitong Huwebes. MARK BALMORES

Si Peter Joemel Advincula, alyas Bikoy, sa Camp Crame, Quezon City nitong Huwebes. MARK BALMORES

Sa press briefing ngayong umaga sa Philippine National Police (PNP) National Headquarters sa Camp Crame sa Quezon City, kinumpirma ni PNP Chief Director Gen. Oscar Albayalde na isinugod sa PNP General Hospital si Advincula sa hinalang tumaas ang presyon nito.

Naospital si Advincula dalawang araw makaraan siyang sumuko at pasinungalingan ang una niyang pahayag tungkol sa kanyang mga “Ang Totoong Narco-list” videos, na sinabi niya nitong Huwebes ay “scripted” lang at pakana umano ni Senator Antonio Trillanes IV at ang Liberal Party upang mapatalsik umano sa puwesto si Pangulong Duterte.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Nang unang beses na lumantad at nagpakilala sa publiko, nang nagpasaklolo siya sa Integrated Bar of the Philippines, nanindigan si Advincula sa mga isiniwalat niya sa video na ilang miyembro umano ng pamilya Duterte, at ilang malapit na kaibigan, ang sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga sa bansa.