Raptors, nakadalawa sa Bucks, serye tabla sa 2-2
TORONTO (AP) — Balik sa zero ang best-of-seven Eastern Conference finals sa pagitan ng Toronto Raptors at Milwaukee Bucks.
Sa pangunguna nina Kyle Lowry na may 25 puntos at Kawhi Leonard na tumipa ng 19 puntos, nirendahan ng Raptors ang Bucks para sa 120-102 panalo nitong Martes (Miyerkules sa Manila) sa Game 4 sa Air Canada Center.
Tabla ang serye sa 2-2 at muling host ang Bucks sa Game 5 sa Huwebes (Biyernes sa Manila).
Nag-ambag si Serge Ibaka ng 17 puntos at 13 rebounds para sa Raptors, tumikas sa 7-2 karta sa home game ngayong postseason, habang humirit si rReserve Norm Powell ng 18 puntos at kumikig si Marc Gasol ng 17.
Nanguna si Giannis Antetokounmpo sa Bucks na may 25 puntos at 10 rebounds at nagsalansan si Khris Middleton ng 30 puntos.
Nat ikman ng Mi lwaukee ang ikalawang sunod na kabiguan sa playoff matapos ang matikas na six-game winning streak. Isang beses lamang silang natalo ng magkasunod sa regular season, kontra Utah nitong Marso 2 at sa Phoenix nitong Marso 4.
Nakatul ong din si Fred VanVleet, nagtala ng kabuuang 16-of-20 shot sa unang tatlong laro sa serye, sa naiskor na 13 puntos tampok ang 5-for-6 shot.
Mula sa 94-81 bentahe sa fourth period, nahila ng Raptors ang kalamangan sa matikas na 10-3 spurt, k a b i l a n g a n g p i t ong puntos mula kay VanVleet. Naisalpak ni Powell ang fast-break layup para sa 104-84 bentahe may 8:35 ang nalalabi sa laro.