NAG - LAST shooting day na ang Hello, Love, Goodbye, ang first movie team-up nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa Star Cinema last Saturday, at nagtapos sila the following day, Sunday, 8:00 am.

Alden at Daniel

Sa pagsu-shooting ni Alden sa labas ng GMA Network, naka-gain siya ng mga bagong kaibigan. Bukod kay Kathryn, naging kaibigan na rin ni Alden ang boyfriend nitong si Daniel Padilla, ang mga Kapamilya stars na kasama sa movie, at ang direktor nilang si Cathy Garcia-Molina.

Si Kathryn, inaming pinag-isipan muna niya ang offer na magtambal sila ni Alden for the first time.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“They gave me time to think about it. I considered a lot of things hanggang sa I said yes. Kasi si Alden rin ‘yung perfect guy for the role, and ayaw kong sayangin ‘yung chance na pinayagan ako. Hindi laging mangyayari ito, so why not,” sabi ni Kathryn.

“He’s (Alden) a good actor, he’s a good person. Tutulungan niya ako, tutulungan ko siya. Magtutulungan kami.”

Bago ang last shooting day, nag-post naman si Jeffrey Tam (@akosijefftam) ng: “Nakakalungkot kasi last day na namin ng shoot. Masaya kasi nakabuo kami ng tunay na pagkakaibigan @jorossgamboa @ aldenrichards02 #HelloLoveGoodbye.”

During their shooting sa Hong Kong ay nabuo nga ang friendship nila at lagi silang magkakasamang kumain ng street foods doon, mag-shopping sa Mong Kok, at kapag may break sila, magkakasama sila sa iisang room na tinutuluyan nila.

Noong last taping day, sinamahan muna ni Daniel si Kath sa event ng isang endorsement nito, at pagbalik ay nag-stay na siya sa set.

Ano naman ang masasabi n i D a n i e l k a y Al d e n ? “In general, he’s a very professional guy. Hindi nahirapan si Kathryn katrabaho at napakabuti ‘yung tao na ‘yun,” ani Daniel.

“Dahil bago pa ako mag-artista nakatrabaho na siya ng ermat ko (Karla Estrada), at wala nang ibang sinabi ang nanay ko kundi kabutihan. Very comfortable ako.

“I’d like to thank the guy for being a good guy,” sabi pa ni Daniel.

Taong 2011 nang makatrabaho ni Karla si Alden sa GMA 7.

Bilang pasasalamat naman ni Alden sa staff and crew ng Hello, Love, Goodbye, may pa-swimming siya after nilang mag-pack-up that Sunday morning.

May thanksgiving prayer sila bago ang lunch, at doon nga nakita na si Alden ay nakapagpa-trim na ng kanyang balbas at hair, at talagang nagpakuha pa siya ng picture habang kumukuha ng maraming kanin (rice). Balik na nga siya sa regular meals niya.

Post-production works na pagkatapos ni Direk Cathy, at hihintayin na lang ang definite playdate ng first movie nina Kathryn at Alden for Star Cinema.

-NORA V. CALDERON